Monday, December 6, 2010

The Reason behind it

The reason behind why I'm into blogging now is because I was and still inspired by a friend. She's the quite type among the group and she rarely express her thoughts. I stumble upon her site and alas! 


Here I can express all my rants and rave about anything and everything. All those words that my tongue cant utter I can write it down and let the world read it!


I'm no good in english but who cares?? 


Wrong spelling, wrong grammar, so be it! 


  

How SHORT is SHORT


Naman.. dalawang araw na nakikita sa tuwing mag o-open ako ng TUMBLR, gaano ba KA SHORT yang SHORTLY na yan??? baka naman 2 years na hindi pa rin tapos ang problema na yan!!!!! OMG

Extreme and Passion

Let's talk about our Photographer and Videographer (P/V) and Caterer/Stylist


P/V - EXTREME DETAILS PHOTOGRAPHY 
by; Edu Cortez


Another good find at Girl Talk. Highly recommended ng mga bride and no negative feedbacks. Peso Power- panalo rin!


From pre-nup to wedding day hindi nila kami binigo :))


Ang gaganda ng pics and no need for photoshop :)) ang background as is lang! super artistic nya..


Edu: oh len, tayo ka jan tingin sa langit - (ako naman sunod lang ng sunod) pag tingin ko sa pic bongga! ang ganda ko! hehehehehehe


Very professional. 


Yun lang di pa kami tapos mamili ng pics for our wedding album :))


Highly Recommended din!!!!




Yipee..another fave of mine


PASSION COOKS CATERING 
by: Maja Angelica Martinez


What can I say? super proud to be a PC Bride!


Yes, there was sometime I felt left behind and outcast. Pero after our conversation and I learned about the REAL STORY behind everything naging  super love na namin sya!!! (sorry guys, don't want to elaborate things na eh)


Super ganda ng set-up, super sarap ng food, super bait ni maja and ni chef, super nice ng mga waiters, this may be a very short blog about her and her team it's because wala na akong masabi kundi SUPER DUPER HIGHLY RECOMMENDED. 


A bit pricey though but........super duper WORTH IT!!! - 


Sa birthday ng baby namin (wala pa nga lang ngayon lols) sa kanya kami uli papa cater!!!!


Love you maj! 

The Gown Maker

Tita Jo, (Josie Heredia) of House of Fashion by Beatriz.


She's my super fave na supplier. Grabe super dami nyang naitulong sa amin. Sabi nga ni hubby - pwede na syang wedding coordinator :))


Ok, we got a VERY as in VERU good deal sa kanya! dahil pinsan sya ng mom ko! lols!!!! Kidding aside, madali syang mag bigay ng DISCOUNT!


Super bait nya and super daling kausap. And isa pa, kung anong napag usapan nyo yun ang gagawin or she will even exceed your expectations. Like sabi ko I want a mikado silk (though sobrang bigat nito), gusto ko japanese beads, gusto ko mahabang train, gusto ko mahabang veil, lahat yan nasunod and naging bonggang-bongga talaga..beads kung beads.. 


http://my.imageshack.us/v_images.php (pictures of my gown)


Yung gown ng abay, mother and barong ni hubby sya rin gumawa ay super duper ok sa alright! pulido at malinis gumawa. Lagi pang on-time sa mga meetings.


oh yeah, nagka problema kami sa gown ng abay ko pero this was all my fault (my bad) simple lang kasi yung gown ng mga abay ko but then very elegant ang naging problem is hindi same yung telang pinagamit ko dun sa telang nasa inspiration so ayun syempre kahit kopyang-kopya ni gown maker yung inspiration ko yung bagsak nung gown is hindi same sa inaasahan. Pero..Pero..Pero.. instead na mag ulit kami and another gastos on my part (yup! I'm willing to spend another pesoses for the gown revisions!) ginawan na lang nya ng paraan! ayun super LIKE ng mga abay ko ang gown nila :)) puro WOW lang ang nasabi nila :)) pictures- I'll post soon (inaatake ako ng katam eh!)


Marriage Licence namin sya rin umasikaso (abusado ako eh) pag punta and follow-up sa parokya namin sya rin ang in-charge. Sya rin nakikipag coordinate dun sa una naming church at nahilo rin sya sa kahahanap ng kapalit na church nung nalaman naming di kami pwede sa 1st church! 


Super duper HIGHLY RECOMMENDED ko talaga sya. She's a local gown maker sa San Pedro, Laguna pero kung quality of service rin lang ang pag uusapan naman number 1 sya!

Wedding Planner/Coordinator

They can make or break your wedding day. They are the one who will EXECUTE all your hardships and efforts during the preps.

Hubby (h2b then) decided to hire a wedding planner/coordinator kasi ayaw nya na ma stress ako. At first sabi ko OTD (on the day) na lang ang kunin namin kaya lang as the days pass by sobrang na stress ako kaya si hubby (h2b then) nag go na sa FULL WEDDING COORDINATOR.

December, 2009 we went home para i-book ang lahat ng suppliers na dapat i-book and number one sa list ang Wedding Planner/Coordinator.
And the winner is...

Cheerfactor Events Management Team

Bakit sila?

1. Super active sya (referring to the owner and CEO) sa Girl Talk and super dami nyang tips and helps sa mga b2b's.
2. Highly recommended ng mga b2b's
3. Affordable ang wedding package nya 
4. Alam nya ginagawa nya 
5. Walang negative feedback 

Experiences during the preps - (May I remind you dear readers that this is not a suppliers rating per say. Their grade is in your hands XD )

First few months - FEW as in from December(2009) to February(2010) is AWESOME! we booked almost 75% of the suppliers and we got a good deal!

We got Passion cook as our caterer dahil na rin sa "good relationship" nila ni Maja (owner ng PC)
*Waiting mode for the revised costing kami*

Then there was a time na may naging problem ako sa gown ng abay ko (another kwento). So she went to Laguna para ma visit yung gown maker ko and to give her (gown maker) new instructions para ma settle yung problem. - Bilib din ako sa kanya(coordinator) kasi kahit may sakit sya go pa rin sya sa Laguna. 

Pag may problem sa Church fly pa rin sya (by the way she's from Caloocan). 

Then eto na..July na- wala pa kaming invites (another kwento) pero na settle rin naman ng mga bandang August. And admittedly may lapses din naman on our part hindi kasi kami agad namili ng design ng invites :))

July- payment time!!!! pero wala pa yung "REVISED CONTRACT namin" to reflect yung change ng caterer and syempre revision ng pricing. Eh busy pa daw si caterer hindi mag tugma ang scehdule nila kaya di nila maupuan ang contract. Sabi ni hubby hindi sya mag babayad hangga't walang contract. So ayun compute-compute kami.. Nagpadala si coordinator ng "REVISED COSTING" sa e-mail ayun muntik na kaming ma HEART ATTACK ni hubby grabe...as in nag SHOOT UP ng bonggang-bongga ang budget namin! so tawaran moment kami :)) -- first major away namin ni hubby :(( --halos ayaw ko na to maalala.. (super sad ako ng araw na to) --kwento ko sa mga susunod na araw (yan pala ang ayaw ng maalala lols) Kaso we're running out of time kailangan na naming mag bayad kasi sabi ni coordinator due na kami sa mga suppliers (oh by the way, naka ALL-IN package kami sa kanya - meaning sya lang ang kausap namin yung ibang suppliers sya na ang nakipag deal). So no choice uli bayad kami uli. bait ko no *wink.

August - nagka problema kami sa Church - hala sige hilong-talilong kami (ako and my gown maker)sa kahahanap ng church - then nung naka hanap na the following day go go sago sya uli sa Laguna. Thank God na settle din namin agad ang church that very same day!!!

September (yipeeee!!!! 30 days na lang uuwi na kami!) - si kontrata wala pa rin :(( si hubby ko nag aalburuto na!!! gusto na tawagan yung caterer namin.. Ako naman naisip ko dahil ba sa hindi yung top of the class na package ang kinuha ko eh hindi na nila kami aasikasuhin? masama na loob ko sa caterer namin noon. (full kwento on my blog about her)

Eto na..October na...supposedly relak-relak na ako nito..pero wag ka..October 14 ng madaling araw nasa computer shop ako at nag hihintay ng "REVISED COSTING" pa rin. si hubby ko umuusok na sa galit :)) good thing 1k lang naman pala ang nadagdag sa budget so keribels na - (oopsss.. di pa rin po yan yung contract na hinihintay namin )

So kumusta naman ang RSVP - pinadala October 15 na ng gabi - malamang mabasa ko pa yan! 16 na kaya ang kasal :)) - Buti na lang girl scout ako..Ako na ang nag tawag sa mga guest list namin :)) - pero in all fairness to them nag tawag naman talaga sila mejo na late nga lang nang pag send sa akin :))

DURING THE WEDDING

This is it pansit!!!.. Sabi ko sa sarili ko hindi ako magpapa stress- meron kasing negative feedback about sa bridal assistant sa team nila and super duper worried na ako kasi baka sya rin ang ma pa-assign sa akin naku po..eh ako pa naman ang taong super duper MOODY...at ang tantrums umaapaw pag di nasunod ang gusto... Thank goodness hindi sya ang bridal assistant ko..Jump for JOY ang puso ko...!!!! On the day- they performed well naman. Though yung groom assistant eh hindi daw na presensyahan ni hubby kasi naman si hubby ko eh di maka hintay panay ang silip sa room ko.lols!

QUESTION....

* Nasaan na po yung contract - WALA na...EXPIRED na!
*Na settle nyo ba lahat ng payables sa kanya? - yupie, after ng reception nag bayaran na kami..pero may pahabol pa dito di ko na lang i-kwento *wink
* May negative feedback na ba sa kanila ngayon?- google it :))


In CONCLUSION (palakpakan malapit ng matapos)
Na stress pa rin ako sa preps but I can't deny na marami rin talaga syang na itulong sa wedding preps. Pero their work is far behind my expectation and miles away from my hubby's expectation. We thought na kami ang may pinaka organize na wedding (kasi 4 kaming ikakasal nung October) kasi kami lang ang naka All-in package sa coord lahat eh sariling sikap and kaming 4 lahat nasa abroad! then it turned out pang 3rd kami!hahaha may ranking talaga! then yung 4th pa eh wala talaga silang magagawa kasi very tradional yung family ng girl so maraming bawal..

***Follow Up Question????

^Miss author- nalimutan nyo pong banggitin ang name ng coordinator...

**Ay oo nga pala.. - Sya po si Miss Anne Marie Tiango 




RECEPTION VENUE and HAIR and MAKE-UP ARTIST

VIEWFORT TERRACEHILL - Carmona Cavite

Hitting two birds in one stone! Yan ang drama ng Reception Venue namin.

Positive

1. Since resort sya meron na rin silang mga rooms na allocated for bride ang groom preps. Inclusive na rin sa package nila ang guest house na kasya ang 30 pax.
2. Maganda ang place daming place para sa photo opts
3. Ok kausap si Miss Jheng
4. Panalo sa peso power

Negative:

1. Sira ang videoke nila nung wedding namin - lols
2. Hindi sila one day event - Thank God wala kaming kasabay noon :))


HAIR and MAKE-UP ARTIST (HMUA)

Considerations:

1. Kaya nya akong pagandahin ng bonggang-bongga
2. Dapat pasok sa budget
3. Ayaw ko ng masungit!

And a big thanks to Girl Talk (may isang thread dun na all about wedding). Nahagilap ko ang aking ever dearest HMUA.

Uly Sariego - qualifications: ALL OF THE ABOVE! from pre-nup to wedding day bonggang-bongga ako. Super maalaga at wala ng ginawa kundi i-retouch ako! hehehehehe.

Tradional make-up lang ang kiuha kong package pero dahil mabait sya upgraded ang package ko...yipee naka AIR BRUSH make-up ang lola nyo nung wedding!

Maraming napa WOW sa aking kagandahan ( oh sige mag buhat ng sariling bangko!) Enough said..basta super duper SATISFIED ako sa kanya..(Lalo daw na inlove si hubby sa akin!)

Wedding Preparation Experience

At dahil hindi ko na ma open ang isang blog ko..uulitin ko na lang dito!


Eto ang pinaka hihintay ng halos lahat ng BRIDE (noon) MISIS (ngayon - after ng kasal syempre). ANG SUPPLIER's RATING! Dito mailalabas ng BRIDE ang lahat ng saloobin nya sa bawat SUPPLIERS nila. Most of the time eh may GRADE ang mga suppliers (Tinawag pang RATING kung di mo naman bibigyan ng GRADE!) But since di ako kagalingan sa nnumber..I ku-kwento ko na lang ang lahat ng up's and down sa buong wedding preps ko- kaya na bahala mag isip kung PASADO ba o BAGSAK


CHURCH


Ang unang Church na napili namin eh sa Manila kaya lang maraming considerations kaya nag settle na lang kami sa church na malapit sa amin.


Sa kahahanap-hanap ayun natagpuan na namin ang Simbahang para sa amin.

Bakit doon:

1. Sosyal may Aircon (lols!)
2. Malapit sa Reception
3. Miraculous
4. Good deal in terms of peso power
5. Super ganda and solemn ang Altar
Ngunit, subalit, datapwa't...Hindi kami dito ikinasal....

bakit uli?

Magulo as in MAGULO silang kausap.. Ngayon OO bukas HINDI!
Syempre pareho kmaing OFW ni hubby so ang bakasyon namin is upon APPROVAL na nga LIMITED pa! 3 weeks lang ang approved leave namin pareho. So sa simula pa lang we lay down all our cards na! At ayun sobrang tuwa ko kasi January 2010 na book na namin sila (gandang birthday gift sa akin nun) so syempre siiting pretty na uli kami. Then eto na August - time to renew all our documents..Tan-ra-raaaan!!!


Ale sa simbahan (A): Eh nasaan na po yung ikakasal


Coordinator namin:(C): Eh nasa abroad pa po sa Oct.1 pa dating nila dito


A: Naku hindi pwede dapat one month bago ang kasal nandito na sila. Paano masisimulan ang tawag sa kasal


C: Ha? di ba po sinabi na namin noon pa na ganito ang sitwasyon, baka po pwedeng itawag na sila kahit wala pa sila dito physically


A: ay HINDI PWEDE kung di sila makakauwi ng maaga MAGPALIT NA LANG SILA NG DATE!!!


oh diba bongga si Ale! akalain mong ipalipat ang date ng kasal namin..45 days na lang WEDDING na!!!!


**name withheld to protect the church integrity :)


so syempre napindot ko na naman ang aking PANIC BUTTON! hala umubos ng Five Dinars para tumawag sa Pinas at mag hanap ng available na SIMBAHAN..


Mother's knows BEST talaga..
Sabi ni mudra: anak maganda rin sa San Agustin bakit di na lang doon..
Syempre ako naman masunuring anak tawag naman agad!


Ako: hello mag inquire po sana ako about sa requirements nyo sa kasal


Miss Tess: After sabihin ang requirements - eh kelan ba ang kasal?


Ako: Sa October na po


Miss Tess: Ha??itong October na?


Ako: opo


Miss Tess: naku ang open na lang na schedule namin eh sa October 16 alas tres ng hapon


Ako: (sabog ang luha pataas sa sobrang tuwa) Yan po eksakto ang araw at oras ng kasal namin :))


Miss Tess: Naku eh paano ang mga requirements nyo- kumpletuhin nyo na lahat, pag kulang ang requirements walang kasal


Ako: Ok na po lahat hg requirements namin ang kulang na lang po eh kami (nakuha pang mag joke!) di po kasi kami makaka uwi ng mas maaga pa sa October 1. Ok lang po ba na kulang kami sa "tawag" or pwede pong simulan na ang "tawag" kahit wala pa kami?


Miss Tess: naku hindi pwede ang kulang sa tawag pero ok lang naman na simulan na kahit wala pa kayo


Ako: napalundag na ng tuluyan kahit nasa harap ng boss!!!!


Miss Tess: basta kumpletuhin ang requirements ha


In short: dito kami ikinasal: Sto. Niño de Cebu - Biñan, Laguna

1. Hindi aircon - pero namumulaklak sa dami ng ceiling fan :))
2.  Ang ganda ng Altar -super at mas solemn ang ambiance
3. Ganda ng location 5 mins away lang sa reception
4. Super bait ng mga tao
5. Super cool si Father Danny Dagsaan
6. Panalo rin sa peso power
7. Napagkamalan pa kaming artista..heheheheeh


Negative: ang kulit ng choir sinabing ENGLISH SONGS!! kantahin ba naman ang PAPURI SA DIYOS! lols!

URGENT daw!

Grabe. Pagod na ako :-(
Ang daming trabaho! May matatapos akong isang project ang kapalit naman lima agad!
Tapos ang mga butihin naming agent ang subject ng EMAIL: URGENT! so ako naman kandarapa sa pag open ng e-mail tapos ang attachment 200 pages! (anak ng!) syempre hanapin agad ang dapat hanapin CTRL+F (yan ang fave kong command) kamukat-mukat mo hindi para sa amin ang RFQ!!! kundi ka ba naman mapa sigaw ng BUSET!!!!!!!!!!


Bakit ako nag mamadali at nanginginig pang mag open ng EMAIL nila?
Dahil: noong nakaraang Oktubre nagkaroon kami ng Product Training at dito na i discuss lahat ng expectation sa amin ng mga agent and vice versa.


Eto ang expectation nila
1. Kapag sinabing URGENT dapat within TWO HOURS may reply na kami sa e-mail kahit acknowledgement lang. Ang masaklap dito pag nag acknowledge ka expected nila after one hour may QUOTATION na!


2. Dapat maibigay namin ang quote AT LEAST 48 HOURS kapag simpleng RFQ lang kapag naman masalimuot eh pwedeng ONE WEEK pero yun nga depende nga kung URGENT!


Eto naman expectation namin sa kanila
1. Baka pwedeng basahin na nila ang data sheets/RFQ kasi naman mas madalas kesa HINDI eh hindi kami nag o-oofer ng produktong hinahanap nila (talking about being 10 years nang agent ng kumpanyang to!).


2. Sana naman kung 200 pages ang RFQ baka pwedeng paki pull-out na ang data sheet para naman maibigay namin agad ang quote hello pag babasa pa lang ng RFQ 48 HOURS na!


3. Wala po kaming pasok ng FRIDAY at SATURDAY kaya kung ipapadala mo ang RFQ ng Thursday ng hapon malamang LUNES mo na makuha ang sagot ko! (kahit maka SAMPUNG FOLLOW-UP ka sa mga araw na yan wala ka talagang mahihita!)


Ang nakalimutan naming isaksak sa kukote nila eh!!! ANO BA ANG MEANING NG SALITANG URGENT!!!!!!!!!!!!!!

Hay Buhay

Gutom na ako pero hindi pa ako kumakain. Bakit?

1. Dahil walang pagkain?
**(tunog ng buzzer) MALI - may pagkain ako
2. Dahil walang kasabay kumain?
**(tunog uli ng buzzer) MALI - meron akong pwedeng maka sabay
3. Dahil hindi masarap ang pagkain
**(tunog uli ng buzzer) MALI - gusto ko naman ang pagkain
4. EH BAKIT NGA????

Kasi:

May baon akong cup noodles kasi na anticipate ko na na malamang na hindi ako makakain kasama "nila". Hindi ako sumabay sa "kanila" kasi I hate people na walang pakiramdam!. Bakit di pa ako kumain? Kasi nasa Pantry pa sila at nandito na ang boss ko sa cubicle nya. Ayaw nya ng amoy ng noodles eh lols!
kaya eto kahit na nga-ngatog na ang tuhod at kinakain na ng malaking bituka ko ang maliit na bituka ko eh wala akong choice kundi..MAG HINTAY na matapos "silang" kumain!!!!

Tumblr

Ayaw ko sana ng dalawa ang blog kaso naman ang TUMBLR eh dalawang araw na ring down ang server.
kaya eto nag sign up ako sa Blogger para i-blog ang tungkol kay TUMBLR!


Gamitin ko na lang din si blogger para sa mga "NOBELA" kong post di kasi kagandahan kung kay TUMBLR ko sya ilalagay lols!