Eto ang pinaka hihintay ng halos lahat ng BRIDE (noon) MISIS (ngayon - after ng kasal syempre). ANG SUPPLIER's RATING! Dito mailalabas ng BRIDE ang lahat ng saloobin nya sa bawat SUPPLIERS nila. Most of the time eh may GRADE ang mga suppliers (Tinawag pang RATING kung di mo naman bibigyan ng GRADE!) But since di ako kagalingan sa nnumber..I ku-kwento ko na lang ang lahat ng up's and down sa buong wedding preps ko- kaya na bahala mag isip kung PASADO ba o BAGSAK
CHURCH
Ang unang Church na napili namin eh sa Manila kaya lang maraming considerations kaya nag settle na lang kami sa church na malapit sa amin.
Sa kahahanap-hanap ayun natagpuan na namin ang Simbahang
Bakit doon:
1. Sosyal may Aircon (lols!)
2. Malapit sa Reception
3. Miraculous
4. Good deal in terms of peso power
5. Super ganda and solemn ang Altar
Ngunit, subalit, datapwa't...Hindi kami dito ikinasal....
bakit uli?
Magulo as in MAGULO silang kausap.. Ngayon OO bukas HINDI!
Syempre pareho kmaing OFW ni hubby so ang bakasyon namin is upon APPROVAL na nga LIMITED pa! 3 weeks lang ang approved leave namin pareho. So sa simula pa lang we lay down all our cards na! At ayun sobrang tuwa ko kasi January 2010 na book na namin sila (gandang birthday gift sa akin nun) so syempre siiting pretty na uli kami. Then eto na August - time to renew all our documents..Tan-ra-raaaan!!!
Ale sa simbahan (A): Eh nasaan na po yung ikakasal
Coordinator namin:(C): Eh nasa abroad pa po sa Oct.1 pa dating nila dito
A: Naku hindi pwede dapat one month bago ang kasal nandito na sila. Paano masisimulan ang tawag sa kasal
C: Ha? di ba po sinabi na namin noon pa na ganito ang sitwasyon, baka po pwedeng itawag na sila kahit wala pa sila dito physically
A: ay HINDI PWEDE kung di sila makakauwi ng maaga MAGPALIT NA LANG SILA NG DATE!!!
oh diba bongga si Ale! akalain mong ipalipat ang date ng kasal namin..45 days na lang WEDDING na!!!!
**name withheld to protect the church integrity :)
so syempre napindot ko na naman ang aking PANIC BUTTON! hala umubos ng Five Dinars para tumawag sa Pinas at mag hanap ng available na SIMBAHAN..
Mother's knows BEST talaga..
Sabi ni mudra: anak maganda rin sa San Agustin bakit di na lang doon..
Syempre ako naman masunuring anak tawag naman agad!
Ako: hello mag inquire po sana ako about sa requirements nyo sa kasal
Miss Tess: After sabihin ang requirements - eh kelan ba ang kasal?
Ako: Sa October na po
Miss Tess: Ha??itong October na?
Ako: opo
Miss Tess: naku ang open na lang na schedule namin eh sa October 16 alas tres ng hapon
Ako: (sabog ang luha pataas sa sobrang tuwa) Yan po eksakto ang araw at oras ng kasal namin :))
Miss Tess: Naku eh paano ang mga requirements nyo- kumpletuhin nyo na lahat, pag kulang ang requirements walang kasal
Ako: Ok na po lahat hg requirements namin ang kulang na lang po eh kami (nakuha pang mag joke!) di po kasi kami makaka uwi ng mas maaga pa sa October 1. Ok lang po ba na kulang kami sa "tawag" or pwede pong simulan na ang "tawag" kahit wala pa kami?
Miss Tess: naku hindi pwede ang kulang sa tawag pero ok lang naman na simulan na kahit wala pa kayo
Ako: napalundag na ng tuluyan kahit nasa harap ng boss!!!!
Miss Tess: basta kumpletuhin ang requirements ha
In short: dito kami ikinasal: Sto. Niño de Cebu - Biñan, Laguna
1. Hindi aircon - pero namumulaklak sa dami ng ceiling fan :))
2. Ang ganda ng Altar -super at mas solemn ang ambiance
3. Ganda ng location 5 mins away lang sa reception
4. Super bait ng mga tao
5. Super cool si Father Danny Dagsaan
6. Panalo rin sa peso power
7. Napagkamalan pa kaming artista..heheheheeh
Negative: ang kulit ng choir sinabing ENGLISH SONGS!! kantahin ba naman ang PAPURI SA DIYOS! lols!
No comments:
Post a Comment