Grabe. Pagod na ako :-(
Ang daming trabaho! May matatapos akong isang project ang kapalit naman lima agad!
Tapos ang mga butihin naming agent ang subject ng EMAIL: URGENT! so ako naman kandarapa sa pag open ng e-mail tapos ang attachment 200 pages! (anak ng!) syempre hanapin agad ang dapat hanapin CTRL+F (yan ang fave kong command) kamukat-mukat mo hindi para sa amin ang RFQ!!! kundi ka ba naman mapa sigaw ng BUSET!!!!!!!!!!
Bakit ako nag mamadali at nanginginig pang mag open ng EMAIL nila?
Dahil: noong nakaraang Oktubre nagkaroon kami ng Product Training at dito na i discuss lahat ng expectation sa amin ng mga agent and vice versa.
Eto ang expectation nila
1. Kapag sinabing URGENT dapat within TWO HOURS may reply na kami sa e-mail kahit acknowledgement lang. Ang masaklap dito pag nag acknowledge ka expected nila after one hour may QUOTATION na!
2. Dapat maibigay namin ang quote AT LEAST 48 HOURS kapag simpleng RFQ lang kapag naman masalimuot eh pwedeng ONE WEEK pero yun nga depende nga kung URGENT!
Eto naman expectation namin sa kanila
1. Baka pwedeng basahin na nila ang data sheets/RFQ kasi naman mas madalas kesa HINDI eh hindi kami nag o-oofer ng produktong hinahanap nila (talking about being 10 years nang agent ng kumpanyang to!).
2. Sana naman kung 200 pages ang RFQ baka pwedeng paki pull-out na ang data sheet para naman maibigay namin agad ang quote hello pag babasa pa lang ng RFQ 48 HOURS na!
3. Wala po kaming pasok ng FRIDAY at SATURDAY kaya kung ipapadala mo ang RFQ ng Thursday ng hapon malamang LUNES mo na makuha ang sagot ko! (kahit maka SAMPUNG FOLLOW-UP ka sa mga araw na yan wala ka talagang mahihita!)
Ang nakalimutan naming isaksak sa kukote nila eh!!! ANO BA ANG MEANING NG SALITANG URGENT!!!!!!!!!!!!!!
No comments:
Post a Comment