Hubby (h2b then) decided to hire a wedding planner/coordinator kasi ayaw nya na ma stress ako. At first sabi ko OTD (on the day) na lang ang kunin namin kaya lang as the days pass by sobrang na stress ako kaya si hubby (h2b then) nag go na sa FULL WEDDING COORDINATOR.
December, 2009 we went home para i-book ang lahat ng suppliers na dapat i-book and number one sa list ang Wedding Planner/Coordinator.
And the winner is...
Cheerfactor Events Management Team
Bakit sila?
1. Super active sya (referring to the owner and CEO) sa Girl Talk and super dami nyang tips and helps sa mga b2b's.
2. Highly recommended ng mga b2b's
3. Affordable ang wedding package nya
4. Alam nya ginagawa nya
5. Walang negative feedback
Experiences during the preps - (May I remind you dear readers that this is not a suppliers rating per say. Their grade is in your hands XD )
First few months - FEW as in from December(2009) to February(2010) is AWESOME! we booked almost 75% of the suppliers and we got a good deal!
We got Passion cook as our caterer dahil na rin sa "good relationship" nila ni Maja (owner ng PC)
*Waiting mode for the revised costing kami*
Then there was a time na may naging problem ako sa gown ng abay ko (another kwento). So she went to Laguna para ma visit yung gown maker ko and to give her (gown maker) new instructions para ma settle yung problem. - Bilib din ako sa kanya(coordinator) kasi kahit may sakit sya go pa rin sya sa Laguna.
Pag may problem sa Church fly pa rin sya (by the way she's from Caloocan).
Then eto na..July na- wala pa kaming invites (another kwento) pero na settle rin naman ng mga bandang August. And admittedly may lapses din naman on our part hindi kasi kami agad namili ng design ng invites :))
July- payment time!!!! pero wala pa yung "REVISED CONTRACT namin" to reflect yung change ng caterer and syempre revision ng pricing. Eh busy pa daw si caterer hindi mag tugma ang scehdule nila kaya di nila maupuan ang contract. Sabi ni hubby hindi sya mag babayad hangga't walang contract. So ayun compute-compute kami.. Nagpadala si coordinator ng "REVISED COSTING" sa e-mail ayun muntik na kaming ma HEART ATTACK ni hubby grabe...as in nag SHOOT UP ng bonggang-bongga ang budget namin! so tawaran moment kami :)) -- first major away namin ni hubby :(( --halos ayaw ko na to maalala.. (super sad ako ng araw na to) --kwento ko sa mga susunod na araw (yan pala ang ayaw ng maalala lols) Kaso we're running out of time kailangan na naming mag bayad kasi sabi ni coordinator due na kami sa mga suppliers (oh by the way, naka ALL-IN package kami sa kanya - meaning sya lang ang kausap namin yung ibang suppliers sya na ang nakipag deal). So no choice uli bayad kami uli. bait ko no *wink.
August - nagka problema kami sa Church - hala sige hilong-talilong kami (ako and my gown maker)sa kahahanap ng church - then nung naka hanap na the following day go go sago sya uli sa Laguna. Thank God na settle din namin agad ang church that very same day!!!
September (yipeeee!!!! 30 days na lang uuwi na kami!) - si kontrata wala pa rin :(( si hubby ko nag aalburuto na!!! gusto na tawagan yung caterer namin.. Ako naman naisip ko dahil ba sa hindi yung top of the class na package ang kinuha ko eh hindi na nila kami aasikasuhin? masama na loob ko sa caterer namin noon. (full kwento on my blog about her)
Eto na..October na...supposedly relak-relak na ako nito..pero wag ka..October 14 ng madaling araw nasa computer shop ako at nag hihintay ng "REVISED COSTING" pa rin. si hubby ko umuusok na sa galit :)) good thing 1k lang naman pala ang nadagdag sa budget so keribels na - (oopsss.. di pa rin po yan yung contract na hinihintay namin )
So kumusta naman ang RSVP - pinadala October 15 na ng gabi - malamang mabasa ko pa yan! 16 na kaya ang kasal :)) - Buti na lang girl scout ako..Ako na ang nag tawag sa mga guest list namin :)) - pero in all fairness to them nag tawag naman talaga sila mejo na late nga lang nang pag send sa akin :))
DURING THE WEDDING
This is it pansit!!!.. Sabi ko sa sarili ko hindi ako magpapa stress- meron kasing negative feedback about sa bridal assistant sa team nila and super duper worried na ako kasi baka sya rin ang ma pa-assign sa akin naku po..eh ako pa naman ang taong super duper MOODY...at ang tantrums umaapaw pag di nasunod ang gusto... Thank goodness hindi sya ang bridal assistant ko..Jump for JOY ang puso ko...!!!! On the day- they performed well naman. Though yung groom assistant eh hindi daw na presensyahan ni hubby kasi naman si hubby ko eh di maka hintay panay ang silip sa room ko.lols!
QUESTION....
* Nasaan na po yung contract - WALA na...EXPIRED na!
*Na settle nyo ba lahat ng payables sa kanya? - yupie, after ng reception nag bayaran na kami..pero may pahabol pa dito di ko na lang i-kwento *wink
* May negative feedback na ba sa kanila ngayon?- google it :))
*Na settle nyo ba lahat ng payables sa kanya? - yupie, after ng reception nag bayaran na kami..pero may pahabol pa dito di ko na lang i-kwento *wink
* May negative feedback na ba sa kanila ngayon?- google it :))
In CONCLUSION (palakpakan malapit ng matapos)
Na stress pa rin ako sa preps but I can't deny na marami rin talaga syang na itulong sa wedding preps. Pero their work is far behind my expectation and miles away from my hubby's expectation. We thought na kami ang may pinaka organize na wedding (kasi 4 kaming ikakasal nung October) kasi kami lang ang naka All-in package sa coord lahat eh sariling sikap and kaming 4 lahat nasa abroad! then it turned out pang 3rd kami!hahaha may ranking talaga! then yung 4th pa eh wala talaga silang magagawa kasi very tradional yung family ng girl so maraming bawal..
***Follow Up Question????
^Miss author- nalimutan nyo pong banggitin ang name ng coordinator...
**Ay oo nga pala.. - Sya po si Miss Anne Marie Tiango
No comments:
Post a Comment